Programang Libreng Baterya Nagbibigay-Daan sa Pagiging Mas Matatag ng mga Kustomer ng Medical Baseline

Ang mga kustomer ng SCE na umaasa sa kuryente para sa kanilang mga pangangailangang medikal, na nakatira sa mga lugar na nasa mataas na panganib na magkaroon ng sunog at kwalipikado ang kita, ay maaaring maging karapat-dapat para sa isang libre, nabibitbit o portable na bateryang pang-back-up at solar panel.